dzme1530.ph

Sen. Binay, handang magpaliwanag sa mga isyu sa itinatayong Senate building

Tiniyak ni dating Senate Committee on Accounts Chairperson Nancy Binay na handa siyang ipaliwanag ang mga sinasabing isyu kaugnay sa itinatayong bagong Senate building sa Taguig.

Inamin ni Binay na maging siya ay nagulat kung saan nanggagaling mga impormasyon ni Senate President Francis “Chiz” Escudero.

Iginiit ni Binay na noon pang February 2019, nilinaw na ni Sen. Panfilo Lacson na ang P8.9 bilyong laan para sa bagong gusali ay para lamang sa core at shell ng four-tower building at hindi pa kasama ang interior at fit-outs.

Tinawag din niyang fake news ang pahayag na walang parking sa gusali dahil three-level basement parking ang mayroon sa Senate building sa Taguig.

Umaasa si Binay na bibilisan ang sinasabing pag-review sa proyekto dahil ang bawat araw ng pagkaantala anya ng proyekto ay magdudulot ng dagdag na gastusin para sa penalty at patuloy na pagrenta sa kasalukuyang gusali ng Senado.

About The Author