dzme1530.ph

Pari, tinanggal sa pwesto dahil sa isyu ng disobedience

Tinanggal sa pwesto si Fr. Alfonso Valeza bilang Parish Administrator ng St. Joseph Parish sa Gagalingin, Tondo.

Ayon sa pahayag ng Archdiocese of Manila, tinggal sa pwesto si Fr. Valeza dahil sa “defiance” o patuloy na hindi pagsunod sa mga utos ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa kabila ng paulit-ulit na babala.

Sinuspinde rin ang ‘priestly faculties’ ni Fr. Valeza na magsagawa ng mga gawain bilang pari tulad ng pagmimisa at paggawad ng mga sakramento simula Hunyo 05.

Samantala, bumuo ng Parish Administration Team ang Archdiocese of Manila at itinalaga sina Fr. Reginald R. Malicdem, Rev. Fr. Nolan A. Que, Rev. Fr. Gilbert P. Kabigting upang pangasiwaan ang St. Joseph Parish.

Nanawagan naman ang Archdiocese of Manila sa mga mananampalataya ng St. Joseph Parish na sumunod at makipagtulungan sa mga bagong mangangasiwa sa parokya.

About The Author