dzme1530.ph

Price control, dapat ipatupad sa Canlaon City

Nanawagan si Sen. Lito Lapid sa gobyero na ngayon pa lamang ay magpatupad na ng price control sa Canlaon City kasunod ng pagsabog ng Mount Kanlaon sa Negros Island.

Sinabi ni Lapid na batay pa rin sa pagtaya ng PHIVOLCS na malaki ang posibildad na muling sumabog ang bulkan sa mga susunod na araw at itinaas na sa alert level 2 ang sitwasyon.

Ipinaalala ng senador na sa ilalim ng batas, maaring magpatupad ang lokal na pamahalaan ng price control para hadlangan ang pagsasamantala ng mga tiwaling negosyante sa panahon ng kalamidad.

Kinatigan ni Lapid ang deklarasyon nina Canlaon City Mayor Batchuk Cardenas at La Castellana Mayor Alme Rhumyla Nicor-Mangilimutan ng state of calamity matapos sumabog ang bulkan Kanlaon.

Kasunod nito, pinayuhan ni Lapid ang mga lokal na pamahalaan sa Negros Occidental na maghanda sa mas malalang sitwasyon kung patuloy sa pag-aalburuto ang bulkan dahil sa banta nito sa kalusugan at buhay ng mga tao.

Kailangan anya ang pagtutulungan ng mga emergency response agency, hospitals, pharmacies at iba pang ahensya ng pamahalaan.

 

About The Author