dzme1530.ph

Face to face classes sa lahat ng antas sa Pasay nanatiling suspendido ngayong araw

Nanatiling suspendido parin ang face to face classes ngayong araw sa lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan sa lungsod ng Pasay.

Ito’y dahil sa patuloy na banta ng mas matinding init ng panahon o Heat Index, na delikado sa mga guro at mag aaral na ma exposed sa init ng araw.

Sa abiso ng Pasay Public Information Office, base sa inilabas na Climate Heat Index forecast ng PAGASA-DOST, papalo pa rin sa higit 42 °C ang mararanasang temperatura sa mga susunod na araw.

Dahil dito naglabas ng Executive Order No. 42 ang Pasay City LGU kaugnay ng suspension sa face to face classes sa lahat ng antas ng eskwelahan sa lungsod upang matiyak na ligtas ang mga guro at mga mag aaral sa maging epekto ng matinding init ng panahon, dulot parin ng El Niño.

About The Author