dzme1530.ph

Trust at performance ratings ni PBBM, VP Sara, bumaba sa unang bahagi ng 2024

Bumaba ng 6 na puntos ang trust at approval ratings ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. habang nabawasan naman ng 9 na puntos ang trust rating ni Vice President Sara Duterte sa unang bahagi ng taong 2024.

Ito’y batay sa pinakahuling resulta ng survey ng OCTA research group, mula March 24-27.

Lumabas din sa survey na nakakuha ang pangulo ng 65% performance rating mula sa dating 71% noong Disyembre ng nakalipas na taon.

Bumaba naman ng 11 puntos ang performance ratings ng pangalawang pangulo na ngayon ay nasa 64% na lamang.

Isinagawa ang survey sa may 1,200 respondents mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

About The Author