dzme1530.ph

PBBM, duda kung paanong nahalal si Bamban Mayor Alice Guo

Duda si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagkakahalal kay Bamban Mayor Alice Guo.

Ayon sa pangulo, kilala niya ang lahat ng mga pulitiko sa Tarlac, ngunit wala umanong may kilala kay Guo at ipinagtataka niya kung saan ito nanggaling.

Kaugnay dito, kinumpirma ni Marcos na matagal nang iniimbestigahan si Guo sa harap ng mga kwestyonableng dokumento, at kung papaano itong tumakbong mayor.

Sinabi ng pangulo na inaasahan ang pagsisiyasat ng Bureau of Immigration sa citizenship ni Guo, kaakibat na rin ng kasabay na imbestigasyon ng senado.

Posible rin umanong may dalang banta sa seguridad ang isyu, kaya’t kailangan umanong higpitan ang pagpapatupad ng mga batas kaugnay ng pagpasok ng mga dayuhan sa bansa at ng mga nagpapanggap na Pilipino.

About The Author