‘Zero Credibility’ para kay Senador Jinggoy Estrada si dating PDEA agent Jonathan Morales.
Sinabi ni Estrada na malinaw na hindi mapatunayan at walang mailabas na ebidensya si Morales sa kanyang mga alegasyon.
Bukod pa ito sa kwestyonable anyang kredibilidad ni Morales bunsod ng kanyang mga kasong pagsisinungaling na ikinadismis niya sa serbisyo.
Bahagya pang nagkainitan sina Estrada at Morales nang magparinig ang dating PDEA agent na yung kanyang mga kaso ay patuloy pang dinidinig habang ang senador ay convicted.
Iginiit ni Estrada na hindi dapat pakialaman ni Morales ang kanyang kaso at intindihin na lamag ang sariling kaso.
Sa panig ni Senate President Juan Miguel Migz Zubiri, muli itong nagpaalala sa mga senador na mag-ingat sa mga pagdinig at tiyaking hindi sila magagamit sa pamumulitika.