dzme1530.ph

Sumunod sa Batas-Trapiko’, paalala ng Malakanyang ngayong Safe Driving Day

Nakikiisa ang Malakanyang sa pagdiriwang ng Safe Driving Day ngayong May 13.

Sa isang post, hinikayat ng Presidential Communications Office (PCO) ang publiko na pahalagahan ang kaayusan ng mga lansangan.

Kaugnay dito, pinayuhan ang mga motorista na sumunod sa batas-trapiko.

Hinimok din ang mga commuter na maging alerto sa kalsada para sa ligtas na lansangan sa ilalim ng bagong Pilipinas.

Sa ilalim ng Proclamation No. 28 Series of 1966, idineklara ang unang lunes hanggang linggo ng Mayo kada taon bilang National Traffic Safety Week at ang sumunod na lunes bilang Safe Driving Day.

About The Author