dzme1530.ph

Lanuza Ave. sa Pasig City, sasailalim sa rehabilitasyon simula ngayong Lunes; mabigat na trapiko, asahan

Nagbabala ang Pasig City government sa mga motorista na asahan ang mabigat na trapiko sa Lanuza Avenue na isasailalim sa rehabilitasyon simula ngayong lunes, Mayo 13.

Bunsod nito, pinayuhan ng Pasig City Public Information Office ang mga motorista na gumamit ng mga alternatibong ruta.

Ang Lanuza Avenue na matatagpuan sa Brgy. Ugong ay sasailalim sa araw-araw na konstruksyon, simula alas diyes ng gabi hanggang ala singko ng umaga.

Inaasahan namang matatapos ang proyektong ito ng Department of Public Works and Highways sa katapusan ng Hunyo ngayong taon.

About The Author