Mahigpit na binabantayan ng mga awtoridad ang mga aktibidad ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC), sa pagdiriwang ng kaarawan ng founder nito na si Pastor Apollo Quiboloy, ngayong Huwebes.
Ayon kay Davao City Police Office Spokesperson, Police Captain Hazel Tuazon, mayroon silang mga tracker team na naka-monitor sa identified areas na posibleng kinaroroonan ng kontrobersyal na pastor.
Una nang naglabas ang Davao Court ng Warrant of Arrest laban kay Quiboloy at sa lima pa nitong co-accused kaugnay sa kaso ng child abuse.
May arrest warrant din na inilabas ang pasig court laban sa founder ng KOJC, bunsod naman ng human trafficking charges.