dzme1530.ph

Local production ng agricultural products dapat iprayoridad -Sen. Escudero

Iginiit ni Senador Francis “Chiz” Escudero sa gobyerno na iprayoridad ang pagpapalakas ng lokal na produksyon ng mga agricultural products.

Ito ay kahit aminado ang senador na hindi maiiwasan ang pag-angkat ng mga produktong agrikultural dahil sa epektong ng El Niño.

Dapat aniyang mas pahalagahan ang local production laban sa importasyon kaya kailangang tulungan ng pamahalaan ang ating mga magsasaka.

Una nang iniutos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Department of Agriculture (DA) na luwagan ang Administrative procedures sa pag angkat ng agricultural products at tanggalin ang non-tariff barriers para sa seguridad sa pagkain at mapanatiling sapat ang suplay ng agricultural products sa mga lokal na pamilihan.

Sinabi ng senador na ang Genuine food security ay nakabase sa Domestic ability at supply para tugunan ang pangangailangan ng bansa.

Dapat aniyang stop gap measure lamang o pansamantala lamang habang hindi pa natatamo ang food security para mapigilan ang pagtaas ng inflation.

Aminado si Escudero na walang katiyakan na walang pagsasamantala sa pagluluwag sa proseso ng pag-import ng mga agricultural products

Gayunman, malaki ang tiwala ng mambabatas kay Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na pananagutin niya sinumang aabuso o magsasamantala.

About The Author