Ikinasa ng Philippine National Police (PNP) ang digital booking system o e-system na magpapabilis sa booking process sa mga maaarestong suspek.
Padadaliin ng e-booking system na ito ang pangongoklekta at cross-matching ng fingerprints sa pamamagitan ng automated fingerprints identification system.
Dahil dito, inaasahan na mas mapalalago ang crime solution efficiency ng pambansang pulisya.