Makararanas ng mapanganib na heat index o damang init ang 24 na lugar sa bansa, ngayong Martes.
Ayon sa state weather bureau, mararamdaman ang pinakamataas na heat index sa Dagupan City, Pangasinan na may 46°C.
43°C naman sa Aparri, Cagayan; Aborlan, Palawan; Roxas City, Capiz; Iloilo City, Iloilo; Dumangas, Iloilo; at Zamboanga City, Zamboanga del Sur.
Aabot naman sa 42°C ang heat index sa Laoag, Ilocos Norte; Tuguegarao City, Cagayan; Isu Echague, Isabela; Clark Airport, Pampanga; Muñoz, Nueva Ecija; Baler, Aurora; Casiguran, Aurora; Sangley Point, Cavite; Ambulong Tanauan, Batangas; Coron, Palawan; San Jose Occidental Mindoro; Puerto Princesa City, Palawan; Virac, Catanduanes; Masbate city, Masbate; Pili, Camarines Sur; Catarman, Northern Samar; NAIA, Pasay City; at Science Garden, Quezon City.
Ang heat index na mula sa 42°C hanggang 51°C ay mapanganib, at posibleng maging dahilan ng heat-related illnesses gaya ng stroke, cramps, exhaustion o fatigue, pagkahilo, pagkakaroon ng mahina subalit mabilis na tibok ng pulso, at pagsusuka.