dzme1530.ph

Mas mabilis at mas transparent na resulta, inaasahan ng COMELEC sa 2025 Elections

Inaasahan ni COMELEC Chairman George Garcia ang mas mabilis at mas transparent na transmission ng resulta sa 2025 National and Local Elections.

Sa harap ito ng nakatakdang pag-award ng kontrata ng poll body sa Secure Electronic Transmission Sevices (SETS) sa joint venture ng Ione Resources Inc. at Ardent Networks Inc.

Kahapon ay inanunsyo ni COMELEC Spokesman, Atty. John Rex Laudiangco, na inaprubahan ng kanilang en banc ang rekomendasyon na i-award ang kontrata sa naturang joint venture matapos ang masusing eksaminasyon.

Inihayag ni Garcia na target nilang lagdaan ang kontrata kasama ang joint venture sa Huwebes ng umaga, makaraang mag-comply ang Ione at Ardent sa terms of reference na itinakda ng poll body.

About The Author