dzme1530.ph

Water service interuption sa Caloocan, aabutin ng limang oras

Magkakaroon ng limang oras na pagkaantala sa water services sa ilang kabahayan sa lungsod ng Caloocan sa darating na April 3.

Ayon sa Maynilad Water Services Incorporation, bunsod ito ng interconnection activity kung saan kinakailangang ikabit ang ilang primary at secondary lines ng tubig sa Barangay 166, P-dela Cruz.

Magsisimula ang nasabing operasyon sa April 3 at tatagal hanggang April 4.

Samantala, hinikayat ng Maynilad ang mga residente ng Caloocan na mag-imbak na ng sapat na tubig bago ang nasabing water service interruptions.

Nakahanda naman ang ilang water tankers ng maynilad upang maghatid ng tubig sa mga apektadong lugar.

 

—sa panulat ni Judea Bernardo

About The Author