dzme1530.ph

Pagiging clueless ng PNP Davao sa lokasyon ni Quiboloy, tinuligsa

Tinuligsa ni ACT Teacher Partylist at House Deputy Minority Leader France Castro, ang PNP Davao sa pahayag nitong “clueless” sila sa kinaroroonan ni Pastor Apollo Quiboloy.

Una nito sinabi ni PMaj. Catherine Dela Rey, spokesperson ng Police Regional Office- Davao, na wala silang ideya o impormasyon kung nasa Davao ba o wala si Quiboloy.

Banat ni Castro, kaso ito ng “double standard” at laro ng PNP, samantalang may access sila sa napakalaking intelligence at confidential funds.

Si Quiboloy, ang self-proclaimed “Son of God” ay umaming nagtatago dahil sa umano’y banta sa kanyang buhay.

Nahaharap din ito sa pag-aresto matapos magpalabas ng arrest warrant ang Senado at Kamara sa hindi nito pagsipot sa imbestigasyon kaugnay na umano’y panggagahasa at pangha-harass ni Quiboloy sa mga dating kasapi ng KOJC, at ang paglabag ng SMNI sa franchise law.

 

About The Author