Inaasahang tataas pa ang bilang ng mga lalawigang apektado ng El Niño o matinding tagtuyot, sa harap ng nalalapit na pagpasok ng summer o panahon ng tag-init.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing, inihayag ni task force El Niño spokesperson at PCO Assistant Sec. Joey Villarama na sa kasalukuyan ay animnapu’t pitong probinsya ang nakararanas ng iba’t ibang lebel ng El Niño kabilang ang dry spell, dry conditions, at drought.
Kaugnay dito, inaasahang tataas pa umano ito sa pitumpu’t anim sa susunod na tatlong buwan.
Ang mga ito ay nasa walong rehiyon, habang inaasahang tataas na rin sa pito ang bilang ng mga bayang nasa state of calamity kabilang ang Pio Duran sa Albay.
Kaugnay dito, sinabi ni Villarama na bagamat humina na ang El Niño ay hindi pa rin dapat maging kampante at kailangan pa ring maging handa at listo.