dzme1530.ph

Pastor Quiboloy, pinagpapaliwanag kung bakit di dapat ipaaresto ng Senado

Binigyan ng 48-oras ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality si Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy upang magpaliwanag kung bakit hindi siya dapat arestuhin ng Senate Sergeant at Arms.

Ito ang nilalaman ng inilabas na show cause order ng kumite na pirmado kapwa nina Senador Risa Hontiveros at Senate President Juan Miguel Migz Zubiri laban kay Quiboloy.

Binigyan naman ang Sgt. At Arms ng 24-oras upang ibalik sa Senado ang show cause order.

Una rito, hiniling ni Senador Robin Padilla sa kumite na bawiin ang contempt ruling laban kay Quiboloy at sa halip ay magpalabas ng show cause order para magpaliwanag ang pastor.

Nag-ugat ang pag-contempt kay Quiboloy sa hindi nito pagtugon sa subpoena na inilabas ng Senado dahil sa ilang ulit na pang-iisnab sa pagdinig ng kumite kaugnay sa mga alegasyon ng pang-aabuso nito.

About The Author