dzme1530.ph

Speaker Romualdez, ikinatuwa ang dagdag benepisyo para sa breast cancer patients ng PhilHealth

Pinasalamatan ni House Speaker Martin Romualdez ang pamunuan ng PhilHealth sa 1,400% benefit package at services increase sa breast cancer patient kabilang ang early detection.

Naniniwala si Romualdez na ang early detection sa lahat ng uri ng cancer ang pinaka mabisang hakbang para maiwasan o maagapan ito.

Mababatid na itinaas ng PhilHealth sa P1.4-M mula P100,000 ang “Z Benefit Package” para sa breast cancer.

Bukod pa ito sa naunang hakbang ng state health insurer na 30% increased in all benefit packages para sa lahat ng miyembro nito.

Ayon sa House Leader, ang hakbang ng PhilHealth ay magdudulot ng malaking kaginhawahan sa pamilya ng breast cancer patients.

About The Author