dzme1530.ph

Panibagong iregularidad sa NFA, nais ipabusisi sa Senado

Plano ni Senate Committee on Agriculture Chairperson Cynthia Villar na paimbestigahan sa Senado ang panibagong sinasabing iregularidad sa National Food Authority (NFA).

May kinalaman ito sa ulat na ilang NFA officials ang iligal na nagbebenta ng bigas sa ilang traders sa mababang halaga at hindi dumaan sa bidding.

Sinabi ni Villar na pangungunahan ng kanyang kumite ang imbestigasyon sa isyu lalo’t siya mismo ay may personal na karanasan sa problema.

Matagal na aniyang isyu ang iligal na pagbebenta ng NFA ng bigas sa mga piling traders sa murang halaga dahilan kaya niya ipinasa ang Rice Tariffication Law.

Labag aniya sa batas ang ginagawa ng ilang NFA officials dahil ang bigas na subsidized ng gobyerno ay dapat na ibinebenta sa mga tao para makamura lalo na ang mahihirap at hindi sa mga traders na kumikita lalo sa nasabing iregularidad.

About The Author