dzme1530.ph

Proseso ng solicited bidding para sa pagsasapribado ng EDSA busway, mas mabilis —DOTr

Posibleng isagawa sa pamamagitan ng solicited bidding ang planong pagsasapribado sa EDSA Bus Carousel o Busway service.

Sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista, na nais niya ng solicited bidding dahil mas mabilis ang proseso nito.

Gayunman, inamin ni Bautista na may natanggap na siyang unsolicited proposal mula sa pribadong sektor para sa pag-take over ng operasyon sa EDSA Busway.

Idinagdag ng Kalihim na sa ngayon ay nagsasagawa sila ng parallel study, at kumuha ng consultant at transaction adviser, para sa planong solicited bidding.

 

 

About The Author