dzme1530.ph

Rekomendasyong bigas sa halip na pera para sa 4Ps beneficiaries, pinag-aaralan pa

Pinag-aaralan pa at hindi pa tuluyang ibinabasura ang rekomendasyong gawing bigas sa halip na pera ang rice subsidy para sa 4Ps beneficiaries.

Sa press briefing sa Malacañang, inihayag ni DSWD Sec. Rex Gatchalian na tinalakay na ito kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa sectoral meeting sa palasyo kaninang umaga.

Kaugnay dito, sinabi ni Gatchalian na patuloy silang nakikipag-usap sa Dep’t of Agriculture hinggil sa mungkahi.

Nanindigan naman ang Kalihim sa magiging malaking problema sa logistics, at mas mahihirapan umano ang mga benepisyaryo lalo na ang kababaihan kung ang bibitbitin nila ay mga sako ng bigas sa halip na pera.

Tiniyak naman ni Gatchalian na tatapusin sa lalong madaling panahon ang pag-aaral.

About The Author