dzme1530.ph

SP Zubiri, ipinauubaya sa mga senador ang pananatili bilang lider ng mataas na kapulungan

I serve  at the pleasure of my colleagues.

Ito ang naging pahayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri sa gitna ng mga balitang nais na siyang palitan bilang lider ng Senado.

Tiniyak ni Zubiri na masaya siyang makapagsilbi sa kanyang mga kasamahan at ipauubaya niya sa desisyon ng mayorya ang pananatili niya bilang lider ng senado.

Kasabay nito, naniniwala si Zubiri na bahagi ng concerted effort o pagkilos para sirain ng tuluyan ang Senado ang pagpapalutang ng sinasabing kudeta sa Senado.

Sa katunayan anya, noon pang nakaraang linggo niya nalaman ang lumutang na balitang kudeta laban sa kanya.

Muli ring nananawagan ang senate leader na tutukan na lamang ng lahat ang kanilang trabaho para sa kapakanan ng taumbayan.

About The Author