dzme1530.ph

Francine diaz, nanindigang walang inagaw

Nanindigan si Francine Diaz na wala siyang inahas, wala siyang nilandi, at wala siyang inagaw.

Ginawa ng Young Actress ang pahayag makaraang mabuhay ang isyu ng pagkakadawit niya sa hiwalayan noon nina Seth Fedelin at Andrea Brillantes noong 2021.

Sa kanyang instagram live, nagsalita sa unang pagkakataon si Francine tungkol sa umano’y pagsugod sa kanya noon ni Andrea sa dressing room.

Sinabi niya na hindi totoong sinugod siya ni Andrea pero tinawagan siya nito at pagkatapos aniya ay marami nang masasakit na salita siyang natanggap mula sa mga tao.

Nakiusap din si Diaz na huwag na siyang idamay sa kung anoman ang pinagdaanan noon nina Seth at Andrea dahil gusto na rin naman niyang mag-move forward.

—Ulat ni Lea Soriano-Rivera, DZME News

About The Author