dzme1530.ph

Senado, ‘di muna dapat makisawsaw sa imbestigasyon sa MSU bombing incident

Hindi muna dapat makisawsaw ang Kongreso sa imbestigasyon kaugnay sa naganap an pagsabog sa loob ng Mindanao State University sa Marawi City nitong araw ng Linggo.

Ito ang binigyang-diin ni Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairman Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa gitna ng patuloy na pagsisiyasat sa nangyaring insidente.

Ipinaliwanag ni dela Rosa na mas makabubuting hayaan muna ang pulisya na matapos ang kanilang criminal investigation bago ikasa ang legislative inquiry.

Una rito, sama-samang kinondena ng mga senador ang karumal-dumal na pagsabog sa state university sa gitna ng misa.

Nanawagan din ang mga mambabatas na agad resolbahin ang krimen at ibigay ang hustisya sa mga biktima ng pagsabog. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author