dzme1530.ph

Pagbabago sa IRR ng Maharlika Fund, sumusunod sa batas ayon sa Finance Department

Suportado ng Department of Finance (DOF) ang binagong Implementing Rules and Regulations ng Maharlika Investment Fund Act.

Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, ang lahat ng “enhancements” o mga pagbabagong inilagay sa revised Implementing Rules and Regulations (IRR) ay sumusunod sa batas, na layuning maitaguyod ang matatag na Corporate Governance Structure para sa wealth fund.

Ito rin ang magtitiyak ng independence ng Board of Directors ng Maharlika Investment Corporation sa pagbuo ng oversight at risk management bodies habang pinapanatili ang pinakamataas na standards sa pamamahala ng Maharlika Fund.

Napapanahon din umano ito sa harap ng pagpapahiwatig ng interes sa Maharlika Fund ng ilang local at international investors.

Naniniwala si Diokno na ang pag-revised sa IRR ang nagpapakita sa commitment ng administrasyon na mapatakbo na ang maharlika fund sa pagtatapos ng taon.

—Ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author