Patay sa pananambang ang tumatakbong Barangay Chairman sa Sigayan na kinilalang si Kamar Bilao Bansil habang sugatan naman ang asawa nitong si Jasmin Macalanggen at anak nito.
Batay sa imbestigasyon ni Director Col. Robert Daculan ng Lanao Del Sur Police Provincial nangyari ang pananambang pasado alas-sais ng umaga, Oktubre 25 sa Barangay Sigayan, Kapatagan Lanao Del Sur.
Ang suspek ay kinilalang si Pabil Pagrangan, asawa ng incumbent chairwomen ng Barangay Sigayan kasama ang iba pa.
Sinabi ni Daculan na sakay ng puting multicab ang mag-anak nang paulanan ito ng bala.
Abot sa dalawang siyam na basyo ng 5.56 caliber ang narekober sa crime scene.
Patuloy pang tinutugis ang mga suspek sa krimen.
Samantala, patuloy ang verification ng Commission on Elections (COMELEC) kung may kaugnayan sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE 2023) ang panibagong insidente ng pag-atake sa isang kandidato sa Lanao del Sur.
—Ulat ni Felix Laban, DZME News