dzme1530.ph

Pangulo ng MANIBELA at isang mamamahayag, kinasuhan ng cyber libel ni DOTr Sec. Bautista

Sinampahan ng reklamong Cyber-libel ni Transportation Secretary Jaime Bautista sa Department of Justice ang Pangulo ng transport group na MANIBELA na si Mar Valbuena at ang mamamahayag na si Ira Panganiban.

Sinabi ni Bautista na nag-ugat ang inihain niyang reklamo sa akusasyon na tumanggap umano siya ng pera mula sa katiwalian.

Binigyang diin ng Kalihim na ang kanyang hakbang ay upang protektahan ang kanyang pangalan na inalagaan niya sa loob ng 45-taon.

Samantala, itinuturing naman ni Valbuena ang reklamo ni Bautista bilang “purely harassment”, kasabay ng pagtiyak na hindi siya mapapatahimik ng kahit anong kaso para mailabas ang katotohanan. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author