dzme1530.ph

Roger Ray Pogoy, babalik sa basketball makaraang magkaroon ng heart condition

Tiniyak ni Roger Ray Pogoy na babalik siya sa paglalaro ng Basketball sa sandaling makarekober mula sa Myocarditis o pamamaga ng Heart Muscle.

Sinabi ni Pogoy na wala namang gamot ang kondisyon niya sa puso at pahinga lamang ang kanyang kailangan.

Sa pagtaya ng Pinoy Cager, mga anim na buwan siguro siyang hindi muna maglalaro.

Si Pogoy ay sumailalim sa mga pagsusuri makaraang makaramdam ng panghihina at mabilis mapagod habang nag-e-ensayo ang Gilas Pilipinas pagkatapos ng 2023 Fiba World Cup.

Kasama dapat siya sa team na nanalo ng Gold Medal sa Asian Games na ginanap sa China.

About The Author