dzme1530.ph

P1 dagdag-pasahe sa mga jeep, kasado na sa Linggo

Magdaragdagan na ng P1 ang pasahe sa mga pampasaherong jeepney simula October 8.

Ito ay matapos aprubahan ng LTFRB ang P1 na provisional fare increase bilang tugon sa inihaing petisyon ng ilang transport groups na dagdag-pasahe sa mga pampublikong jeepney bunsod ng walang prenong taas-presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, simula sa Linggo ay madaragdagan na ng P1 ang pasahe sa mga traditional at modern jeepneys sa buong bansa.

Gayunman, posible itong bawiin sakaling tuloy-tuloy na bumaba ang presyo ng produktong petrolyo.

Samantala, sa susunod na buwan, November 7, magkakaroon muli ng pagdinig ang LTFRB para naman sa P5 na hinihirit na dagdag pasahe ng grupong Pasang Masda, ALTODAP at ACTO.

Samantala, wala namang naging pagtutol ang grupo ng mga pasahero sa P1 dagdag maliban sa P5 hinihirit ng mga transport group dahil napakalaki umano nito.  –sa ulat ni Neil Miranda, DZME News

About The Author