dzme1530.ph

PBBM, ginawaran ng Medallion of Excellence ang 2023 Metrobank Foundation Outstanding Filipinos

Ginawaran ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng Medallion of Excellence ang napiling outstanding Filipinos ng Metrobank Foundation ngayong 2023.

Sa seremonya sa Heroes Hall sa Malakanyang kahapon, Huwebes ng umaga, pinarangalan ang 10 outstanding Filipinos kabilang ang apat na guro, tatlong sundalo, at tatlong pulis.

Ang prestihiyosong Annual Outstanding Filipino Award ay ibinibigay sa mga indibidwal na nagpakita ng natatanging husay sa kani-kanilang mga propesyon, at taospusong nagpaabot ng tulong sa mga nangangailangan sa kabila ng mga hamon at pagsubok.

Sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na umaasa siya na ang Outstanding Filipino Award ay magtutulak sa mga kawani ng gobyerno na tumulong sa mamamayan nang walang hinihinging kapalit.

Bukod sa Golden Medallion, ginawaran din sila ng P1-M cash prize at tropeyo. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author