dzme1530.ph

6 pang miyembro ng NPA, sumuko na rin matapos makita ang mga kasamahan nitong nagbalik-loob sa gobyerno

Boluntaryong sumuko ang anim pang miyembro ng New People’s Army (NPA) matapos mapag-alaman na marami na sa kanilang kamahan ang nagbalik-loob sa gobyerno sa Cabadbaran City, Agusan Del Sur.

Nakilala ang mga sumuko na sina Vicente Tello Moldez alias “Reb-Reb”; Team Leader na si John Paul Mandag Salahay alias “Lawin”; Wawie Mandag Salahay alias “Sorating”; Caryl Alvarez alias “Angel”; Erwin Sandag Enriques alias “JR” at Angelo Sales alias “Sky”.

Ayon kay Reb-Reb, kinumbinsi niya ang kanyang limang kasamahan na sumuko dahil unti-unti nang bumabaligtad ang iba pang miyembro ng NPA.

Isinuko rin nila ang kanilang mga baril, na isang ak47 rifle, dalawang ar15 rifles, isang m4 carbine rifle at isang m14 rifle kasama ang mga bala nito.

Ayon kay Lt. Col Cresencio Gargar, Commanding Officer ng 29 Infantry Battalion, naniniwala ito na nais ng mga rebeldeng grupo na magbalik sa normal ang kanilang pamumuhay, lalo’t unti-unti nang nalalagas ang kanilang hanay dahil sa masugid na operasyon ng AFP. –sa ulat ni Jay de Castro, DZME News

About The Author