Inaasahang maglalabas ngayong linggo ang Senate Ways and Means Committee ng report kaugnay sa mga issues sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.
Sinabi ni Senate Ways and Means Panel Chairman Senator Sherwin Gatchalian, na target niyang mag-labas ng report o rekomendasyon sa darating na martes o miyerkules.
Noong Disyembre, nagsagawa umano ng review ang komite at mayroong mga nakitang bago na nais nilang pag-usapan sa committee hearing na itinakda ngayong araw.
Ayon pa sa senador, mas mabuting dalhin ang issues sa isang pagdinig para maging patas o may transparency, gaya ng issue kung paano nagbabayad ng income tax ang mga dayuhang nagtatrabaho sa POGOs.
Samantala, inihayag ni Gatchalian na mahalaga ang isang third-party auditor dahil masisiguro nito ang transparency sa mga kita ng POGOs sa bansa.