dzme1530.ph

Grupong Pasang Masda, hihirit ng taas-pasahe sa LTFRB

Nakatakdang maghain ng petisyon para sa taas-pasahe ang isang grupo ng transportasyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).  

Ayon kay Pasang Masda President Obet Martin, hihirit ng P1.00 provisional increase ang grupo, at kapag na-normalize na ang presyo ng produktong petrolyo ay ire-recall din ito.  

Nabatid na sumirit pa ang presyo ng diesel sa unang bahagi ng Agosto.  

Sinabi naman ni Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero na posibleng hindi gumalaw o matapyasan ng P.20 ang kada litro ng diesel sa susunod na linggo. —sa panulat ni Airiam Sancho 

About The Author