dzme1530.ph

Hiling na i-deklarang special non-working day ang Aug. 18 para sa death anniversary ni former Naga City Mayor Jesse Robredo, tinanggihan ng Palasyo

Tinanggihan ng Malakanyang ang hiling ng lokal na pamahalaan ng Naga City Camarines Sur na i-deklarang special non-working holiday ang Agosto a-18, bilang paggunita sa anibersaryo ng kamatayan ni former Naga City Mayor Jesse Robredo. 

Sa liham ni Deputy Executive Secretary for Legal Affairs Anna Liza Logan, sinabing sa ilalim ng Republic Act no. 10669 ay idineklara na ang August 18 bilang special working day, para sa “Jesse Robredo Day”. 

Dahil may umiiral nang batas kaugnay dito, hindi umano maaaring pagbigyan ng palasyo ang hiling ng Naga City. 

Samantala, sinabi rin ni Presidential Communications Office Sec. Cheloy Garafil na sinunod lamang ng Office of the President ang nasabing batas. 

Sa kabila nito, kinikilala pa rin umano ng Malakanyang ang kahalagahan ng komemorasyon sa death anniversary ni Robredo. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News 

About The Author