dzme1530.ph

Malinaw na patakaran para sa BPO workers, isinusulong sa Senado

Isinusulong ni Senador Lito Lapid ang pagtatakda ng praktikal at pantay-pantay na patakaran sa BPO industry upang mabigyan ng sapat proteksyon ang mga manggagawa.

Sinabi ni Lapid na patuloy ang paglawak at paglago ng BPO industry kaya dapat maging malinaw ang proteksyon sa kanilang mga mangaggawa.

Ipinaliwanag ng senador na kung susuriin, nangunguna ang bansa sa BPO sector dahil sa pagiging mahusay at magiliw ng mga Pinoy kumpara sa mga maunlad na mga bansa.

Bukod pa rito, kilala ang mga Pinoy na magaling sa English language kaya mas pinipili ng BPO companies sa kanilang voice-based services tulad ng customer support at tele marketing.

Hirit din ni Lapid sa kanyang Senate Bill 2235 ang regularization ng BPO workers at patatagin ang karapatan nila sa “self-organization” at lumahok sa “democratic exercises” at iba pa.

Sakaling maging ganap na batas, maaaring patawan ng parusa ang sinumang tao o kumpanya na lalabag sa mga probisyon tulad ng pagbabayad ng P100,000 o pagkabilanggo. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author