dzme1530.ph

Death toll sa malawakang wildfire sa Hawaii, lumampas na sa 100

Pumalo na sa 106 ang bilang ng mga nasawi sa malawakang wildfire sa Maui Island sa Hawaii.

Ito ang sinabi ni Hawaii Gov. Josh Green kasabay ng patuloy na pagpapa-alala sa mga residente na mag-ingat at makipag-ugnayan sa mga otoridad.

Nagbabala rin si Green laban sa mga developer na magtatangkang na bumili ng lupa sa mga nakatira sa lahaina at pagtayuan ng mamahaling pabahay o short-term rentals.

Sa ngayon, patuloy aniya ang Maui County officials sa pagsasagawa ng search and rescue operation gamit ang trained dogs upang maamoy ang mga bangkay. –sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author