Nasa 27 lugar sa bansa ang itinuturing ng Philippine National Police (PNP) bilang potensyal na hotspot sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Sa isinagawang pagpupulong sa Kampo Crame, binalangkas ang isang hakbangin na magdedetermina ng bawat lugar na kailangan ng atensyon ng PNP.
Ayon kay PNP Deputy Chief for Operations Lieutenant General Michael John Dubria, ang mga lugar ay lalagyan ng katergorya at ang 27 mga barangay ay nasa red category o nangangailangan ng ibayong atensyon o “areas of grave concern”.
Ang red category ang pinakamataas na antas kasunod ng orange, yellow at green sa klasipikasyon ng sitwasyong panseguridad ng PNP.
Aniya 37,683 lugar sa bansa ang nasa green category na generally peaceful and orderly, at hindi itinuturing na security of concern.
Habang 4,085 naman ang nasa yellow category, na may kasaysayan ng karahasan sa nakaraang eleksyon.
232 lugar naman ang nasa orange category, na pangalawang pinakamataas at itinuturing na area of immediate concern dahil sa seryosong armadong banta. –sa ulat ni Jay de Castro, DZME News