dzme1530.ph

Mga pulis na may kamag-anak na tatakbo sa BSKE, ililipat ng PNP

Bubusisiin ng Philippine National Police (PNP) kung sino sa kanilang mga tauhan ang may kamag-anak na tatakbo sa Barangay at Sanguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre.

Ayon kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., ito ang magiging basehan para ilipat o re-assign  mga pulis na ito bago mag-eleksyon.

Paliwanag ni Acorda, ito ay para masiguro na hindi magkakaroon ng vested interest o “partisan politics” ang mga tauhan ng PNP.

Inaasahan naman agad nilang makukumpleto ang listahan ng mga pulis na may kamag-anak na kakandidato para mailipat ang mga ito bago umiral ang election ban. –sa ulat ni Jay de Castro, DZME News

About The Author