dzme1530.ph

Malakanyang, tiniyak ang tulong sa mga Pilipinong apektado ng wildfire sa Hawaii

Tiniyak ng Malakanyang ang tulong para sa mga pinoy na apektado ng wildfire sa Hawaii, USA.

Ayon sa Presidential Communications Office, nakikipag-ugnayan na sa mga lokal na awtoridad ang Philippine Consulate General sa Honolulu upang alamin ang sitwasyon ng mga Pilipino.

Isasagawa na rin ang consular outreach mission sa Maui para mabigyan ng passport at assistance-to-nationals services ang mga apektadong Pinoy.

Matatandaang aabot na sa halos 100 ang bilang ng mga namatay sa nasabing wildfire sa Hawaii, at daan-daang Pilipino ang nawawala. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author