dzme1530.ph

Internet transaction ng lahat ng Landbank branches, isinailalim sa emergency system maintenance 

Pansamantalang hindi magagamit ang lagay ng internet transaction ng lahat ng Landbank of the Philippines (Landbank) branches sa bansa. 

Sa Abiso ng Landbank, nagsagawa sila ng emergency system maintenance kung kaya’t apektado ang serbisyo nito sa mga customers. 

Kabilang sa mga naapektuhan ay ang mobile banking, ATM, Landbank Digital Channel, website, CDM at Customer Service Channel. 

Tanging ang over the counter transaction lamang ang mayroong serbisyo. 

Hindi tinukoy ng Landbank ang dahilan kung bakit nagkaroon sila ng emergency system maintenance. 

Walang ibinigay ang government bank kung hanggang kailan magtatagal ang ginagawang emergency maintenance system. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author