dzme1530.ph

Presyo ng mga produktong petrolyo, nagbabadyang tumaas sa susunod na linggo 

Abiso sa mga motorista!

Asahan ang dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.  

Batay sa pagtaya, mayroong bigtime oil price hike na P2.87 per liter ang diesel habang nasa P2.67 naman ang dagda-presyo sa kada litro ng gaas o kerosene.  

Maaari namang umabot sa hanggang P1.72 ang itataas sa presyo ng kada litro ng gasolina. 

Kadalasang inaanunsiyo ng oil companies ang price adjustments tuwing Lunes, na ipinatutupad naman tuwing Martes. 

Samantala, asahan ding madaragdagan ng P4.00 hanggang P4.50 ang presyo ng kada kilo ng liquefied petroleum gas (LPG) sa unang araw ng Agosto. –sa panulat ni Joana Luna

 

About The Author