dzme1530.ph

PBBM, pinasinayaan ang National Museum of the Philippines sa Cebu City

Pinasinayaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang National Museum of the Philippines sa Cebu.

Kasama si First Lady Liza Araneta-Marcos, Tourism Sec. Christina Frasco, at mga lokal na opisyal ng Cebu, pinangunahan ng Pangulo ang ribbon cutting ceremony at paglulunsad ng museum marker.

Naglibot din si Marcos sa museo para tingnan ang iba’t ibang koleksyon, artworks, at artifacts.

Sa kanyang talumpati, inihayag ng Pangulo na sa pamamagitan ng pinakamalaking National Museum sa Visayas, mailalapit sa mahihirap na Pilipino ang mayamang kultura at kasaysayan ng bansa.

Binigyang-diin din ng Pangulo ang kahalagahan ng mga museo dahil ito ang daan tungo sa paghanap sa identity o pagkakakilanlan ng isang bansa, at ito rin ang magpapakita ng kahulugan ng pagiging isang Pilipino.

Ang National Museum-Cebu ay tatawagin ding Central Visayas Regional Museum, at matatagpuan ito sa Old Customs House sa Plaza Independencia sa Cebu City. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author