dzme1530.ph

9 sa bawat 10 Pinoy, ramdam ang epekto ng Climate Change sa nakalipas na tatlong taon

Siyam sa bawat sampung Filipino ang ramdam ang epekto ng Climate Change sa nakalipas na tatlong taon, gaya ng mas mainit na panahon at mapaminsalang mga bagyo, ayon sa Survey ng Social Weather Stations.

Sa 1,200 respondents na sinurvey noong Disyembre, 93% ang nagsabing personal nilang naranasan ang epekto ng pagbabago ng klima sa nakalipas na tatlong taon  o  mga unang taon ng Covid-19 pandemic.

17% naman ang nakaranas ng Severe Climate Change Impact, 52% ang nakaramdam ng moderate impact, at 24% ang nakaranas ng kaunting epekto.

Sinabi ng SWS na ang mga personal na nakaranas ng epekto ng Climate Change ay tumaas ng 6 percentage points kumpara noong March 2017 at 8 points naman mula noong March 2013.

About The Author