dzme1530.ph

55 paaralan inalis sa voucher program ng DepEd dahil sa discrepancies, inconsistencies at isyu ng ghost students

Loading

Umabot na sa limampu at lima (55) na mga paaralan ang naalis sa ilalim ng Senior High school voucher program ng Department of Education dahil sa discrepancies, inconsistencies at isyu ng ghost students.

Sa hearing ng House Committee on Basic Education and Culture, sinabi ni DepEd Project Manager-3, Atty. Tara Rama, sa school year 2021-2022, dalawampu’t dalawang (22) eskwelahan ang kanilang inalis, habang sa school year 2022 to 2023 ay tatlompu’t dalawa.

Sa nakalipas na taon 2023-2024, isa lang ang naitalang may anomalya, at ngayong school year ay may labing dalawa (12) na iniimbestigahan.

Paglilinaw naman ni Rama, hindi lahat ng nakitaan ng problema ay dahil sa ghost students.

Sa ngayon lahat umano ng isinusumiteng billing statement mula sa private schools ay dumadaan muna sa Learning Information System para sa cross-checking.

Dagdag pa ni Rama, sa school year 2023 to 2024, nasa ₱200-M halaga ng voucher ang kanilang pinigilan dahil sa hindi tugmang mga datos.

About The Author