dzme1530.ph

47 pang Pinoy mula sa Lebanon, ligtas na nakauwi sa Pilipinas

Kabuuang 45 Overseas Filipino Workers at 2 bata mula sa Lebanon ang ligtas na nakabalik sa bansa, sa gitna ng nagpapatuloy na girian ng Israel at grupong Hezbollah.

Dakong ala-5 ng hapon, kahapon, nang dumating ang Filipino repatriates sa Ninoy Aquino International Airport via Kuwaiti Airlines.

Ilan sa mga nagbalik-bayan ay nagmula sa katimugang bahagi ng Lebanon na target ng Israeli forces.

Sa ngayon ay nasa 525 Filipinos at 30 dependents na ang nakauwi sa bansa sa ilalim ng voluntary repatriation program ng pamahalaan.

Ayon sa Department of Migrant Workers, marami pang Pinoy mula sa Lebanon ang magbabalik-bayan ngayong linggo, kabilang ang 200 iba pa na ang mga dokumento ay pino-proseso pa ng Lebanese authorities. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author