dzme1530.ph

23 katao patay sa flashflood at landslide sa Papua New Guinea

Nasawi ang dalawampu’t tatlo katao dahil sa malawakang flashfloods at landslide, bunsod ng malakas na pag-ulan sa Papua New Guinea.

Ayon kay National Disaster Center Acting Director Lusete Man, kabilang sa namatay ang mag-ina nang hagupitin ng masamang panahon ang ilang komunidad sa Simbu province.

Kaugnay nito, namahagi na ang pamahalaan sa Papua New Guinea ng $2,645 para sa relief assistance.

Nagbahagi rin ng tulong o mga pagkain si Wapenamanda Community Leader Aquila Kunzie sa mga nasalanta ng naturang kalamidad.

About The Author