dzme1530.ph

200 katao, napaslang sa loob lamang ng isang araw na pag-atake ng Israel sa Gaza

Mahigit dalawang-daan katao ang nasawi sa loob lamang ng dalawampu’t-apat na oras na pag-atake ng Israel ayon sa mga opisyal ng Gaza.

Inanunsyo naman ng Israel ang pagkamatay ng limang sundalo makaraang mabigo ang United Nations na manawagan ng tigil-putukan.

Sa pinakahuling tala ng Health Ministry sa Gaza, sumampa na sa 20,258 ang mga nasawi na karamihan ay mga babae at mga bata sa labing-isang linggong bakbakan sa pagitan ng Israel at militanteng grupong Hamas.

Umabot naman sa isangdaan-apatnapu’t apat ang kabuuang bilang ng mga sundalong napaslang simula nang ilunsad ng Israel ang ground offensive noong October 27.

—Ulat ni Lea Soriano-Rivera, DZME News

About The Author