dzme1530.ph

20 BuCor personnel, sinibak sa serbisyo simula noong 2022

Inanunsyo ng Bureau of Corrections (BuCor) na kabuuang 20 tiwaling personnel ang sinibak mula sa serbisyo simula noong 2022.

Sa statement, sinabi ng BuCor na 70 iba pa ang sinuspinde, 10 ang pinagmulta, at 19 ang kinastigo bunsod ng gross neglect of duty, misconduct at conduct prejudicial to the best interest of the service, serious dishonesty, grave misconduct, neglect of duty, at insubordination.

Samantala, 95 BuCor personnel ang binigyan ng promosyon.

Nagbabala naman si BuCor Dir. Gen. Gregorio Catapang Jr. sa mga opisyal at empleyado, na hindi siya mangingiming umaksyon laban sa mga lumalabag sa kanilang rules and regulations. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author