Aabot na sa 16 na rehiyon sa bansa ang napasok ng African Swine Fever (ASF Virus).
Ayon sa Bureau of Animal Industry (BAI), naitala ang unang kaso ng ASF virus sa BARMM matapos ang outbreak ng sakit sa South Upi, Maguindanao del Sur.
Bukod dito, nagpositibo rin sa ASF ang ilang lugar sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, Western, Central, at Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen, at Caraga Region.
Sa ngayon nasa 54 na probinsiya ang pinepeste at tanging Metro Manila lamang ang walang rekord ng ASF.
Matatandaang noong nakaraang linggo nang ihayag ng BAI ang posibleng pork shortage dahil sa pagkalat ng ASF.